:D (Fixed)
Sa murang edad kong ito, marammi na kong gustong gawin at bilhin. Sa katunayan, ang ilan dito at pinangarap ko na noong mas bata pa ako ngunit hanggang ngayon ay di ko pa nagagawa dahil hindi kami mayaman. Hindi ito ang priority ng pamilya namin dahil mas marami pang ibang bagay na mas mahalaga kesa sa mga ito. Alam ko nman eh. Hindi necessity ang mga ito, luxury lamang. Anong kinalaman ng estado ng pamilya namin sa mga gusto ko? Syempre sa mga bagay na ating pinapangarap at hinahangad, hindi sapat ang may tiwala sa sarili, may tamang skill sa ginugusto. Kailangan din ng pera. Oo, PERA. Dahil hindi ka mkakabili ng mga kailangan sa gusto mong gawin kung wala kang pera.
Ito ang mga nais kong mabili o magkaroon:
SAPATOS : Yung as in mga high heels, doll shoes. Mga ganun. Gusto ko kasi magkaroon ng collection ng mga sapatos. Yung tipong isang cabinet na puro sapatos laman.
DAMIT : Particularly mga dress. Wala lang. Babae ako eh. Haha. Mga blouse din, pants, jumpsuits, at kung anu-ano pa. Gusto ko at least every month may isang bago. O mas marami pa. Hha. Kasi ayoko yung paulit-ulit yung sinusuot kong damit. Hindi nman totally pare-parehas nalang yung nasusuot ko, pero pag humaharap ako sa closet ko, napakatagal kong pumili ng damit. Dahil para bang wala na kong gustong suotin sa mga yun dahil lahat nasuot ko na. Haha. Pero magiging posible lamang ito kung mayaman kami. As in super yaman! Haha. Arte ko ‘no. Feeling artista XD
ANIME STUFFS : Mahilig ako sa anime talaga. Hindi lang halata. Pero sobrang gustong gusto ko ang anime. Collections din. Ang sarap kasi sa mata pag nakakakita ako ng anime. Ewan ko, maybe some of you won’t understand.
DSLR : Feeling photographer? Eh bakit ba? Gusto ko din mag aral ng photography! Haha. Pangarap kong camera ‘to. Kahit yung pinaka murang DSLR ayos na sakin. Basta madadala ko kahit saan, para makapagpicture ako anywhere. Tpos sa mga pictures na yun, malalaman nyo ang istorya ng buhay ko.. (aww~ handrama!)
SHIH TZU : Aso. Kung maaari, eto sana gusto kong graduation gift. Bakit Shih Tzu? Hindi ko alam. Basta ito ang gusto ko. Siguro iisipin nyo dahil lang maganda itsura, kaya gusto ko ‘to. Oo, dahil na rin siguro dun. Pero may mas malalim pang dahilan kung bakit gusto ko ng aso. At yun ay para magkaroon ako ng bestfriend. Yung bestfriend for life. Yung tipong kasama ko sa kwarto ko, kahit san ako magpunta. At karamay ko pag malungkot ako. Madalas kasi ako maging malungkot. Seriously. Di lang halata. :) Pero ito yung pinaka dahilan kung bakit gusto ko ng aso. Para kahit papano, may maiyakan ako na maglalambing sakin.
Ito naman yung mga gusto kong magawa :
MAGPIANO : Elementary palang ako, nagpabili na ko ng organ. Kasi gusto ko tlga. At yun n nga, organ lang ang nandito sa bahay. Marunong naman ako tumugtog kahit papano. Pero gusto ko mas matuto pa. At sa Totoong piano. Kaso, pano mangyayari yun? Eh ang mahal kaya ng piano. Haha. Gusto ko matuto. Lalo na yung Canon ni Johann Pachelbel. Ang sarap kasi pakinggan pag piano ang tinutugtog. Nkakawala ng problema. Nakakagaan ng loob.
MAG-GITARA : Isa pa ‘to. May gitara na ko. Tinutulungan ako ng kaibigan ko para matuto ako. Si Ate Zaira. Sa gitara naman, pakiramdam ko, sa pagtugtog nito mailalabas ko ang aking saloobin. Yung bigat sa dibdib ko. Parang Piano din. Nakakagaan ng pkiramdam. Idol ko dito si Taylor Swift. Gusto kong ilapat sa musika ang ilang mga karanasan ko sa aking buhay.
TUMUGTOG : Halos lahat ng instrumentong pangmusika gusto kong matutunan. Violin, saxophone, harmonica. Ewan ko. Gusto ko ang musika. Sa katunayan eh sa aming pamilya ako lang ang talagang mahilig sa musika. Kaya nga Walang nakakapagturo sakin sa pamilya namin eh. Kasi hindi nila ito hilig. Ako lang. It does not run in the family. Haha. Yung kapatid ko, si Tristan. Medyo nahahawa na rin sakin. Haha.
SWIMMING : Gusto ko matuto mag swimming. Miski noong bata palang ako. Yun bang pang competition. Haha. Pang-olympics! Oo, gusto ko talaga ‘to. Kaso wala kaming swimming pool. Eto na rin ang dahilan kung bakit gusto ko ng bahay na may pool. Gusto ko ang tubig. Friends kami eh. Haha XD
SPORTS : Yung mga basketball, badminton. Mga ganun. Sa school hindi ako nage-excel sa mga ganto. Pero sa bahay, madalas ako makipaglaro sa kapatid ko ng basketball pati badminton. Haha. Pag nakakauwi kuya ko, pumupunta kami sa Rodriguez para magbadminton. Naglalaro kaming tatlong magkkapatid :) Pero talagang hindi ako mage-excel dun kasi maliit lang space dito sa bahay para magbasketball. At mahinhin daw ako =P Haha! Pero nag-eenjoy ako pag naglalaro.
COSPLAY : Oo! Super. As in. Pangarap ko ‘to. Maging cosplayer. Elementary palang ako nung una akong makakita ng anime. Noon palang nahiligan ko na ang anime. Tpos nakakita din ako ng mga nagcocosplay. Unang kita ko palang nasabi ko na agad sa sarili ko “Wow! Gusto ko din maging ganito!” *twinkling eyes* Haha. Pero seryoso, bata palang ako. Pangarap ko na ‘to. Eh kasi nga iba sa pakiramdam. EWan ko, mahal ko kasi ang anime eh. Kaya nga noong 2nd year highschool ako, merong Mr. & Ms. Ecology sa school namin. At cosplay ang theme. Sakto pa, ako ang inilaban. Grabe. Yung feeling ko nun, parang dream come true! Si Sakura Kinomoto ako nun eh. Although hindi 100% satisfaction ko nun dahil hindi tela ang isinuot ko, happy padin. Kasi kahit papano. Naging cosplayer ako ;) Sana someday. Tuluyan ako maging isang ganap na COSPLAYER!! Haha.
BOWLING : Isang beses palang ako nakapagtry nito. Grabe, angsaya. Hhaha. Eto gusto kong gawing hobby. Kaso mahal XD kaya siguro pag meron na kong trabaho, tsaka lang ‘to posibleng maging hobby ko :P
BALLET DANCING : Gusto ko matuto magballet tlga! As in. Bata plang din ako gusto ko na ‘to. Mas nauna ko ‘to magustuhan bago sa animes. Pag nakakakita ako ng mga nagbaballet, minsan nai-imagine ko ako yung nandun. Haha. Eto narin siguro ang dahilan kung bakit mahilig ako sa mga interpretative dance. Kasi medyo malapit na yun sa pagba-ballet eh. HAHA.
MODELING : Nung nagsimula akong bumuo ng mga pangarap, kasama na agad ‘tong modeling na ‘to. Ewan ko. Gusto ko ‘to eh. Maging Ramp model, Fashion model, Commercial model, and the next top model! Haha, basta model. Kaso pangit ng skin ko eh. Lampera kami pang derma. Haha! Pano kaya ‘to magiging posible sakin? Magiging posible p ba ito ever? Di bale, sasali ako sa Bb. Pilipinas. Malay mo manalo at madevelop. Haha. Taas ng pangarap eh. Pero gustong gustong gusto ko ‘to talaga. Lord, Ikaw na po bahala gumawa ng paraan. 0:)
Ang dami na ninyong nalaman tungkol sakin. Kahit na ang subject lang nman ng post na ito ay tungkol sa mga gusto ko, panigurado medyo mas makikilala nyo ko. Haha.
Masaya nman ako sa buhay ko ngayon. Yun nga lang, mas gusto ko pa sumaya. Hindi naman bawal diba :)
(Source: smileonme)